Pananatili ni GMA sa VMMC ‘di pinalagan

HINDI man lang pinalagan ng Malakanyang ang desisyon ng Regional Trial Court sa Pasay City na manatili sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nahaharap sa kasong electoral sabotage.

“We respect the decision of judge (Jesus) Mupas for the continued stay of CGMA in the hospital, having relied on the medical opinion of her attending physician and with due accord to her position as a former President,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Nauna rito, pinagbigyan ni Judge Jesus Mupas ng Branch 112 ng RTC sa Pasay City ang hirit ng attending physician ni Mrs. Arroyo na manatili ang huli sa VMMC dahil sa patuloy na pagsakit ng likod.

Subalit, sinabi ni Mupas na sa oras na bumuti ang kalagayan ng dating lider ay agad na ililipat ito sa regular detention facility.

Sinabi ni Domingo na pansamantalang isinantabi ng korte ang petisyon ng mga abogado ng Commission on Elections na iditine si Mrs. Arroyo sa ordinary prison facility upang patuloy na masubaybayan ang kondisyon nito.

Kasunod nito, inatasan ni Mupas ang VMMC physicians na magsumite ng monthly report ng kalusugan ng kanilang pasyente simula sa Marso 10.

Bukod pa  ang utos ng korte sa mga manggagamot ng dating lider na magsumite ng monthly expenses ng VMMC dahil na rin sa patuloy na pananatili ng dating Pangulong Arroyo  sa nasabing government-owned hospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply