Pangamba ng mga taga-Mindanao pinawi: PAGASA tiniyak na walang bagyo

TINIYAK ng PAGASA na walang paparating na bagyo kahit may namataan na bagong Low Pressure Area sa Eastern Mindanao.

Ayon sa weather bureau, walang dapat na ipangamba ang mga residente sa Visayas at Mindanao dahil malabong maging bagyo ang nasabing sama ng panahon.

Tiniyak din ng PAGASA na malulusaw na rin ang LPA sa oras na lumapit sa kalupaan ng Mindanao.

Kahapon ay pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang sama ng panahon matapos mamataan sa Pacific Ocean.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply