Pangarap na bituin

“UNTI-UNTING mararating kalangitan at bituin…” Isang linyang mula sa isang sikat na awitin na aking naisip ng makilala ko sa Malaysia ang Filipinong si Darius Gaspar.

Bachelor of Science in Marine Transportation ang kursong tinapos ni Darius subalit nagdesisyon siyang bigyang laya ang kanyang passion sa musika at hilig
sa pagkanta.

Sapagkat mayroong natural na talento, nagdesisyon siyang pumasok sa Center for Pop Music Philippines bilang isang estudyante. Mula roon ay nangarap siya na balang araw ay magiging isa siyang ma-nunulat ng mga awit o composer.

Hindi nagtagal ay natupad ang pangarap ni Darius nang makalikha at makagawa siya ng ilang awitin sa Sony Music Philippines o Sony BMG.

Hanggang sa isang pagkakataon upang makarating ng Malaysia ang dumating sa kanya na agad niyang tinanggap. Mahirap ang kanyang naging adjustment sa Malaysia sapagkat kung dito sa Pilipinas ay kabilang na siya sa mundo ng musika at kasama ang ilang sikat na pangalan sa industriya gaya ni Rey Valera na miyembro rin ng Filipino Society of Composers, Authors and Publishers, doon ay kinakailangan niyang muling pa-tunayan ang kanyang kakayahan pagdating sa larangan na nais niyang pasukin – ang musika.

Maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Darius gaya na la-mang ng pag-aadjust sa lenggwahe ng komunikasyon roon. Naging isa ring pagsubok para sa kanya ang banyagang kultura ng nasabing bansa at ang pinakamahirap sa lahat ay ang pagkakalayo sa kanyang pamilya na naiwan sa Pilipinas.

Subalit para kay Darius ay isang malaki at magandang bagay ang matuto ng mga bagong kaalaman at karanasan kung kaya’t hinarap niya ng buong puso ang mga pagsubok na ito.

Mula sa positibong pananaw ay nakatulong rin sa kanya ang pagkakaroon ng mga Malaysian ng magandang impresyon sa mga Filipinong mang-aawit roon. Ayon kay Darius itinuturing ng mga Malaysian na henyo ang mga Pinoy pagdating sa larangan ng musika.

Muling pinatunayan ni Darius ang kanyang husay sa larangan na kanyang pinasok nang maging isa siyang propesyonal na song writer at magmay-ari ng isang akademya para sa pag-awit kung saan isa siyang voice coach.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply