Pangilinan makakaasa ng fair hearing – M’cañang

MAKAAASA ng patas na pagdinig si New Bilibid Prisons Director Gaudencio Pangilinan makaraang sampahan ng kasong graft sa Department of Justice (DoJ).

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, bibigyan ng pagkakataon si

Pangilinan na ihayag ang kanyang panig kaugnay sa kasong isinampa sa kanya.

“Well, they can certainly expect a fair hearing in the DOJ. Pakikinggan po ang both sides kung may complaint na pong finayl [file]. So it is up to Director Pangilinan to submit his counter-affidavit. And it will be reviewed by the panel, or by the investigating prosecutor,” ayon kay Sec. Lacierda.

Sa kabilang dako, naghihintay pa rin ng impormasyon si Sec. Lacierda kung nakausap na ni Justice Secretary Leila de Lima ang whistleblower.

“Si Secretary Leila de Lima met with Director Pangilinan last week and so binigyan siya ng pagkakataon na ipaliwanag ang sitwasyon po doon sa NBP. We’ll still await for any—for the developments on that point kung nagbigay na po ng written explanation pero nagbigay na po ng verbal explanation po si Director Pangilinan kay Secretary Leila de Lima. At the same time, ‘yung alleged whistleblower po ay nag-express po ng interest na makipag-usap kay Secretary de Lima subject for evaluation po ‘yon ni Secretary Leila de Lima. Hindi ko po alam and we will confirm kung nakipag-usap na po si Secretary Leila de Lima with the alleged whistleblower,” aniya pa rin.

Samantala, pinalagan ng Malakanyang ang ulat na pagtatakpan ni Pangulong Aquino ang mga ginawa ni Pangilinan.

Kaninang umaga ay pormal na kinasuhan ang opisyal ng paglabag sa Republic Act No. 9184 o ang Government Procurement Act.

Batay sa alegasyon, inaprubahan ni Pangilinan ang P16 million catering service contract kahit walang kaukulang pag-apruba mula kay Justice Sec. Leila de Lima.

Kinuwestyon din ang desisyon ng opisyal na pumasok sa P1.4 million renovation contract kahit walang isinagawang public bidding.

Maliban sa katiwalian, nabulgar din ang laganap na prostitusyon at VIP special treatment sa New Bilibid Prisons.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply