Panibagong hirit ni GMA isinumite sa korte

HUMINGI na ng pahintulot sa Pasay Regional Trial Court si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na mapayagan siyang makadalaw sa burol ng kanyang bayaw na si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo.

Sa inihaing urgent motion ng dating Pangulo sa Pasay City REgional Trial Court kanina, hiniling niya na payagan siyang makalabas sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) kung saan siya nakadetine upang makapunta sa burol ni Iggy, sakaling maibalik na ang labi nito sa Pilipinas.

Bukas (Biyernes, Pebrero 2) reresolbahin ng korte ang nabanggit na mosyon.

Samantala, didinggin din bukas ng korte ang kahilingan ng Commission on Elections (Comelec) na mailipat sa regular na detention facility ang dating Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply