Panibagong sink hole nadiskubre sa Cebu

ISA pang sink hole ang nadiskubre sa bayan ng Dalaguete, sa lalawigan ng Cebu.

Ang naturang malaking butas sa lupa ay tinatayang may lapad na sampung metro, habang hindi pa alam ang lalim nito dahil hindi pa natitignan ng mga ekspertong geologist.

Ayon kay Casay Barangay Captain Joseph Belamia, isang pastol ang nakakita ng naturang sink hole sa Sitio Carpo na nasa gilid lang ng daan habang nagpapakain ito ng kanyang mga inaalagaang baka.

Patuloy din itong lumalaki at lumalalim kaya naabahala ang mga residente rito.

Sa ngayon, pansamatalang nilagyan ng barangay official ng cordon ang sink hole para na rin makaiwas sa disgrasya ang mga residente.

Ipinaalam na rin ang pangyayari kay Dalaguete Municipal Mayor Ronald Allan Cesante at hinihintay ang magiging rekomendasyon nito.

Ang nasabing butas sa lupa ay resulta umano ng 6.9 magnitude na lindol na tumama noong Pebrero 6 sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ng ilang mga residente, dalawang araw matapos ang pagyanig ay bigla na lang umanong nagkaroon ng butas ang nasabing lupa na pinaghihinalaang may underground river.

Nababahala pa ang mga residente sa posibleng tuluyang pagguho ng lupa dahil sa patuloy na paglaki nito.

Hihinintay na rin ng barangay ang pagbisita ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) para masuri ang butas sa ilalim ng lupa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply