Panlilisik ng mata ng senator-judges inalmahan

HINDI na nagugustuhan ng liderato ng House of Representatives ang pag-asta ng mga senador sa kapwa nila mga mambabatas na nagsisilbing prosecutor sa ginaganap na impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay House Majority Floorleader Neptali Gonzales  III, hindi magandang tingnan na ang mga kongresista ay pinagagalitan o pinanlilisikan pa ng mata ng senator-judges sa sandaling pinagsasabihan o nili-lecturan sila sa pagdinig.

Sinabi ni Gonzales na live coverage na pinapanood ng publiko ang ginaganap na impeachment hearing kaya tila hindi maganda ring tingnan na ang kapwa nila mambabatas ay nakikitang pinanlilisikan ng mata at tila pinapahiya na sa publiko.

Ipinaalala ni Gonzales na ang mga mambabatas na nagsisilbing prosecutors ay pawang mga abogado rin na may kaalaman sa korte gayunman ay matagal nang walang praktis sa usaping paglilitis.

Hindi naman pinangalanan ni Gonzales ang mga senador na kanyang tinutukoy na nanlilisik ang mata at tila senisermunan ang house prosecutors sa nasabing pagdinig at sinabing alam na ng mga taong nanonood kung sinu-sino ang mga ito.

Sa panig naman ni Presiding judge-senator Juan Ponce Enrile na hind niya pwedeng baguhin ang mga pananalita niya sa korte dahil tao lamang siya na kinakailangang magsalita ng tama lamang na patas sa lahat.

Kung aniya hindi nagustuhan ang kanyang pag-preside ay papalitan na siya ng mas magaling pa sa kanya.

“Ang salitang “trash” o basura aniya ay dapat lamang sabihin kung walang silbi kaya ibasura na lamang.”

Ito aniya ay dahil sa hindi nito pagtanggap sa naging testimonya ng testigo hinggil sa platinum card ng mag-asawang Corona na hindi naman sakop sa kanilang articles of impeachment.

Idinagdag pa ni Enrile na kung hindi niya binigyang halaga ng respeto ang mga kongresista na kapwa nila mambabatas ay kanya na sanang ipinatawag sa Senate trial impeachment court si Congressman Banal at isalang sa witness stand.

Si Banal ay ibinunyag ng PSBank manager na personal na humingi ng bank documents ni Corona sa naturang bangko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply