Parak na sangkot sa Maguindanao massacre nagpakamatay

NAGPAKAMATAY ang isa sa mga pulis na akusado sa Maguindanao massacre case sa pamamagitan ng pagtalon mula sa rooftop ng Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Nabatid na basag ang mukha ni PO2 Hernanie Decipulo dahil sa lakas ng impact ng pagkakabagsak sa semento.

Ayon naman sa misis ni Decipulo, dumaan sa matinding depresyon ang mister nang halos dalawang taon habang nakakulong sa Camp Bagong Diwa matapos masangkot sa krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may foul play sa insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply