Parak na tinawag na ‘pulis patola’ pumatay

NAPATAY ng isang kagawad ng Philippine National Police ang kanyang kaibigan nang mapikon sa pang-iinsulto sa kanyang pagiging pulis habang nag-iinuman sa Mandaue, Cebu City sa ulat ng pulisya.

Sa report, nabaril ni PO2 Rosendo Cabrera ang kanyang kabigan nang mapikon nang tawagin siyang “pulis patola” habang nag-iinuman sa Barangay Tabok, Mandaue.

Dead on the spot naman ang biktima na si Remigio Iran sa tama ng punglo sa katawan.

Sa pagsisiyasat ng Mandaue City Police Station, magkatulong pa sa pagsesemento sa harapan ng bahay ng suspek nang maisipan nilang mag-inuman na nauwi naman sa mainit na usapan.

Ang dahilan ay ang paulit-ulit na pang-iinsulto ni Iran sa alagad ng batas na tinatawag pa niyang “walang kuwentang pulis.”

Sa galit ni Cabrera ay binaril niya ang biktima na agad nitong ikinamatay at ikinasugat ng 4-taong gulang na bata makaraang mahagip ng ligaw na bala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply