Parliamentary courtesy ‘di umiiral tuwing impeachment trial

INIHAYAG ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na hindi umiiral ang respetuhan o parliamentary courtesy sa pagitan ng mga senador at kongresista tuwing may impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Nilinaw ito ni Sotto matapos magreklamo si House Majority Leader Neptali Gonzales ang pagpapahiya ni Senate President Juan Ponce Enrile kina house prosecutor Niel Tupas at Sherwin Tugna kamakalawa ng hapon dahil sa kanilang pagpupumilit na makunan ng testimonya ang vice-president for sales ng Philippine Airlines (PAL) hinggil sa benefits na ipinagkaloob kay Corona habang may nakabinbin na kaso ang airline sa Supreme Court.

Ipaliwanag ng senador, puwede lamang pairalin ang parliamentary courtesy kung umaakto silang mga mambabatas, pero sa impeachment trial ni Corona ay magkaiba ang sitwasyon dahil judge ang mga senador at prosecutor naman ang mga kongresista.

“We should remind some of our colleagues that as a Senate and the House of Representatives there is really what we call parliamentary courtesy, siguro sa mga nasa lugar na bagay pero as an impeachment court, nakakalimutan nila na hindi kami Senate, impeachment court yun,” pagdidiin ng senador.

Sinabi pa Sotto na kailangang ma-realize ng mga kababayan natin na ibang klase kapag impeachment court dahil hindi sila parte ng Congress at hindi sila kabilang sa tinatawag na kabuuan ng parliament.

Dagdag pa ni Sotto na masyado nang naging maluwag ang Senate Impeachment Court sa prosekusyon kung kaya naabuso nila ito at panahon na magkaroon ito ng katapusan.

“We’ve bent backward so many times, we’ve been very flexible, kaya siguro naabuso eh. Pagka-flexible ka, nasasagad ka minsan ‘di ba? Ganun ang feeling ng aming Senate President,”ani Sotto.

Sinuportahan naman ni Sotto ang naging desisyon ni Enrile na huwag pakantahin si Javier hinggil sa benefits na nakuha ni Chief Justice Renato Corona dahil wala naman ito sa ikinaso ng Kamara sa Article 3.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply