Paslit patay sa sunog, 2 kapatid sugatan

NASAWI ang isang 10-anyos na paslit nang ma-trap ito sa sunog, habang dalawa sa kapatid nito ang sugatan matapos sumiklab ang naglalagablab na apoy sa Tondo, Manila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si John Stephen Lesigue na natagpuan sa banyo ng kanilang bahay, habang nagtamo ng sugat ang magkambal na kapatid na sina John Kennedy at Fredelyn, 12-anyos.

Batay sa report ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, dakong 4:00 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing sunog sa Herbosa st. sa Tondo.

Nabatid sa ulat na habang nasa kasagsagan ng sunog sa lugar, nagawang makalabas ng bahay ang kambal kahit na sila’y sugatan at naiwan ang kapatid nila sa loob.

Hindi pa tiyak kung naroroon ang kanilang mga magulang nang maganap ang sunog habang patuloy itong iniimbestigahan.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, aabot sa 10 kabahayan na katumbas ng may 25 pamilya ang nawalan ng tirahan at base sa estima ng Arson Division ay nasa P500,000 ang halaga ng mga ari-arian na naabo.

Habang isinusulat ang balitang ito, isinailalim na sa pagsisiyasat kung saan nagmula ang nasabing sunog na umabot sa ikatlong alarma. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply