Paslit tusta sa sunog sa Tondo

NASAWI ang isang 10-anyos na batang lalaki sa isang sunog sa Herbosa, Tondo, Maynila kaninang madaling araw, Pebrero 25.

Nabatid na pasado alas-4:00 kaninang madaling araw nang maganap ang sunog kung saan nasawi si John Stephen Lesigue na natagpuan sa loob ng palikuran ng kanilang bahay.

Sugatan naman ang dalawa pang kapatid ni John Stephen kabilang ang kakambal nitong si John Kennedy at nakatatandang kapatid na si Fredelyn, 12-anyos.

Umabot sa 10 bahay ang nasunog na sinasabing nagsimula sa ground floor ng bahay ng mga Lesigue matapos ang ilang malalakas na pagsabog.

Tinatayang aabot sa P500,000 ang halaga ng pinsala ng nasabing sunog na umabot sa ikatlong alarma.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply