Patutsada ni PNoy kay Corona, unawain- Enrile

PANG-UNAWA ang hinihingi ni Presiding Officer Juan Ponce Enrile para kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III kaugnay sa patuloy na patutsada nito kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona na sumasailalim ngayon sa paglilitis.

Muling pinasaringan ni Pangulong Aquino si Corona sa ginanap na selebrasyon ng ika-26 Edsa People Power I Revolution matapos nitong himukin ang taumbayan na umaksyon at repormahin ang hudikatura na pinamumunuan ng mga tiwali.

Dahil dito, ipinaalala ni Enrile, bukod sa hindi contitutionalist si Pangulong Aquino, gaya ni Fr. Joaquin Bernas, hindi rin ito abogado.

Kasabay rin nito, umapela rin si Enrile kay Senator-judge Miriam Defensor Santiago dahil sa panlalait nito sa prosekusyon.

Ani Enrile, may problema si Santiago sa kanyang blood pressure kaya’t hindi nito makontrol ang sarili at madali itong mairita.

Gayunpaman, aminado naman ang senador na mahirap patunayan ang pagiging bias ni Corona kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ay matapos ang pahayag ni House Deputy Speaker Raul Daza ng Northern Samar sa mga miyembro ng prosecution na sa mahigit 30 personal na desisyon ni Corona sa mga usapin na sangkot si Arroyo o ang kanyang dating administrasyon ay 80% nito ay pabor sa nagtalaga sa kanya.

Pero, ayon kay Enrile dapat na patunayan ng prosecution na bias si Corona kay Arroyo hindi lamang sa mga kilos nito kundi sa pananalita na rin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply