PCG naka-alerto sa tsunami

NAKA-ALERTO ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa posibleng pagtama ng tsunami bunsod ng naganap na magnitude 6.9 na lindol sa bahagi ng Cebu at Negros Oriental kaninang tanghali.

Bukod dito, sinuspinde na rin ng Coast Guard ang operasyon ng barko at iba pang sasakyang pandagat sa bansa.

Ayon kay PCG spokesman Lt. Commander Algier Ricafrente, ala 1:00 kanina nang kanselahin at ipagbawal ang paglalayag ng mga sasakynag pandagat sa bahagi ng Visayas at Northern Mindanao, hangga’t hindi inaalis ang tsunami alert na ipinalabas ng The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs).

Gayunman, nakaalerto rin ang PCG personnel sa posibleng tsunami, subalit habang isinusulat ang balitang ito ay wala pa aniyang, nakikitang pagtaas ng alon sa mga apektadong lindol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply