PDEA: May sapat na ebidensiya vs sa Chinese model

PINANINDIGAN kaninang umaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga hawak nilang ebidensya para magdiin sa Chinese commercial model na si Marvin Sia.

Inaresto si Sia sa Quezon City kahapon (Huwebes, Pebrero 2) dahil sa umano’y pagtanggap ng walong kilo ng shabu matapos sundan ng mga awtoridad ang courier na nag-deliver dito ng package.

Ayon kay PDEA National Capital Region (NCR) Director Pedrito Magsino, matibay ang kanilang ebidensya laban kay Sia na siya umanong nag-order ng nasabing mga shabu na nagkakahalaga ng P40 milyon.

Sinabi ni Magsino na mananatili pa rin sa kanilang kustodiya si Sia dahil sa inihaing mosyon sa korte na manatili pa ito sa kulungan.

Ito ay sa kabila nang inilabas na desisyon ng Quezon City Prosecutors Office na pakawalan na si Sia dahil hindi naman umano napatunayan ng PDEA na ito nga ang nag-order ng shabu mula sa China.

Inihayag ni Magsino na handa naman silang harapin ang anumang kaso na posibleng isasampa ng kampo ng naturang commercial model.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply