Peace talks sa mga rebelde, paigtingin pa

DAPAT pang paigtingin ng pamahalaan ang peace talks sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng mga rebeldeng komunista.

Ito ang panawagan ng mga lider ng Simbahang Katolika kasunod ng pagkamatay ng dalawang paslit sa isang engkuwentro sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at New People’s Army (NPA) sa Camarines Norte kamakailan.

Mariin ding kinondena ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso ang naturang engkwentro kung saan nadamay ang mga paslit na nagkaka-edad 10 at pitong taong gulang matapos gawing human shield ng mga rebelde.

Ayon kay Medroso, nakalulungkot dahil paulit-ulit na lamang ang mga ganitong pangyayari at maging mga inosenteng sibilyan ay nadadamay sa kaguluhan.

Nanawagan din naman ang obispo sa mga rebelde na huwag idamay ang mga sibilyan, partikular ang mga bata dahil wala namang kinalaman ang mga ito sa kanilang mga ipinaglalaban.

Giit ni Medroso, dahil sa kahirapan ay nagagamit pa ng mga rebelde ang mga kabataan para labanan ang gobyerno, sa halip na pumasok ang mga ito sa paaralan upang mag-aral.

Ganito rin naman ang pananaw ni Father Cunegundo Garganta, executive secretary ng Episcopal Commission on Youth ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Umapela si Garganta kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III na bigyan ng malaking atensyon ang problemang ito.

Dapat aniyang magsilbing wake-up call sa pamahalaan ang pagkasawi ng mga naturang musmos upang pursigihin ang pagsusulong ng usapang pangkapayapaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply