Pekeng bank documents ng prosekusyon nabunyag

KINUMPIRMA ng branch manager ng Philippine Savings Bank (PSB) na pawang peke ang bank records na ginamit ng House Prosecution panel upang makakuha ng subpoena sa impeachment court sa pagsusumite ng bank records ni Chief Justice Renato Corona.

“They are fake,” tugon ni Annabelle Tiongson ng PSB Katipunan branch manager kay Senate President Juan Ponce Enrile.

“It did not come from our bank,” giit pa ni Tiongson.

Naunang inungkat ni Enrile kay Tiongson kung magkapareho ba ang dokumentong hawak nito na inilalahad sa impeachment court na ginamit ng House prosecution panel bilang basehan sa pagkuha ng subpoena.

“They are not the same,”  tugon pa ni Tiongson kay Enrile.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply