Pekeng Tuseran Forte nasabat ng BOC

NASABAT ng mga operatiba ng Intellectual Property Rights Division ng Bureau of Customs ang P400 milyon halaga ng mga imported na pekeng gamot, battery at charger ng cellphone mula sa Hong Kong sa Port of Manila.

Ang kontrabando na nasa dalawang 40-foot container van ay naka-consign sa Imax Harborware na idineklarang mga plastic wares, subalit nang buksan ng IPRD operatives ang container vans ay tumambad ang mga pekeng gamot na nakahalo sa iba pang kontrabando.

Napag-alaman na may 1,300 piraso ng pekeng Tuseran Forte, kasama ang mga pekeng Nokia battery at charger sa loob ng kargamento.

Ito na ang ikalawang pinakamalaking huli ng ahensya pagkatapos ng naunang pagsalakay sa Kings Plaza sa Binondo, Maynila, kung saan nasabat ang mga pekeng kontrabando na nagkakahalaga ng P700 milyong piso ngayong taon 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply