Penile dysfunction magagamot na ng langis ng niyog

NAGAGAMOT na rin ng virgin coconut oil (VCO) o langis ng niyog ang problema ng mga lalaking hindi na tinitigasan, ito ang pahayag ni Agriculture Sec. Proceso Alcala kanina.

Ani Alcala, bagamat hindi pa gaanong napatutunayan ng siyensiya dahil kulang pa sa pagsusuri, marami namang lalaki ba ang makapagpapatunay na gumanda ang kanilang sexual performance isang linggo matapos silang uminom ng isang kutsarita ng ng langis ng niyog, tatlong beses sa isang araw.

Aniya, gagastusan ng gobyerno ang pag-aaral sa VCO at kung mapapatunayang wala itong side-effect ay irerekomenda nila ito sa kalalakihang may problema sa ari upang hindi na sila gumamit ng viagra at makahiya.

Matatandaang may sampung taon nang sumikat ang viagra dahil sa kakayahan nitong patigasin ang ari ng lalaki at ihanda para sa pakikipagtalik kahit matanda na.

Gayunman, may masama umanong epekto ang viagra, dahil nagiging sanhi naman ito ng mabilis na pagtibok ng puso na kadalasang ikinamamatay ng mga lalaking gumagamit nito.

Natuwa naman sa nasabing balita ang kalalakihang senior citizens.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply