Peso account ni Corona tatanggapin ng Senado

KAMPANTE ang prosekusyon na hindi ibabasura ng Senate impeachment court ang mga ebidensya na may kaugnayan sa multi-million secret bank accounts ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon sa mga tagapagsalita ng prosekusyon na sina Marikina Rep. Miro Quimbo, Aurora Rep. Sonny Angara at Deputy Speaker Erin Tañada, sa kasalukuyan ay napapatunayan na si Corona ay mayrong milyon pisong secret bank accounts na hindi nito idineklra sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).

Ito anila ay may malaking pagkakaiba sa kanyang tax declarations at ang iba pang nakatagong kayamanan.

Bukod dito, ang mga nasabing bank account na pinoprotesta ng kampo ni Corona ay kinumpirma na ng mga opisyal ng bangko sa Senate impeachment court at na-validate na ang existing bank records nito.

Tiwala rin sila na ang Senator-Judges ay kumbinsido na ang mga dokumento mula sa bangko ay authentic at may halaga kung ang Article II

ng impeachment case ang pag-uusapan base na rin sa testimonya at dokumento na nakuha mula sa mga opisyal ng Philippine Savings Bank (PSBank) at Bank of the PHilippine Island (BPI) kung saan nakatago ang milyones ni Corona.

Base sa SALN nni Corona noong 2010, idineklara nito ang P3.5 milyon cash assets subalit nadiskubre ng impeachment tribunal na mayroon pa siyang P32 milyon na hindi nakaulat na cash deposits noong huling buwan ng 2010.

Bukod pa rito ang dalawang bank accounts sa PSBank na umaabot sa P19.73 milyon habang mayroon naman itong nakatago sa BPI na umaabot sa P12.02 milyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply