Peterson vs Khan sa May 19

MAGKAKAROON ng rematch sina Lamont “Havoc” Peterson at Amir “King” Khan na gaganapin sa Mandalay Bay Events Center sa Las Vegas, Nevada sa May 19.

Noong nakaraang taon, matatandaang natalo si Khan kay Peterson.

Sa nasabing bakbakan ay nakataya pa rin ang unified super lightweight world titles na hawak ni Khan noon.

Ayon kay Peterson, matagal na rin niyang gustong matuloy ang rematch para mawala na ang pagdududa ng marami na dinaya niya si Khan.

“I feel really good about my decision,” sabi ni Peterson (30-1-1, 15 KO’s).

Samantala, sinabi naman ni Khan na masaya sa ibinigay na pagkakataon para mabawi ang kanyang korona.

“I’m delighted that I have finally been given the chance to avenge the result of my last fight,” ani Khan (26-2, 18 KO’s).

Aniya, gagawin niya ang lahat para makuha niyang muli ang korona at nang bumalik ang tiwala ng fans sa kanya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply