Philippine Army bawal na sa mga paaralan

IPINAG-UTOS ng hepe ng Philippine Army ang pagbabawal sa mga sundalong pumasok sa perimeter ng paaralan alinsunod sa probisyon ng United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC).

Nagkaroon ng pagpupulong kanina sa pagitan nina Phil. Army Chief Lt Gen. Emmanuel Bautista at ng United Nations resident Coordinator Dr. Jacqueline Badcock.

Ayon kay Major Harold Cabunoc, spokesman ng Phil Army, inihayag ni Dr. Badcock na labag sa karapatan ng mga mag-aaral ang may presensya ng sundalo sa paaralan.

Parang magnet daw ang mga sundalo sa pag-atake ng mga rebelde tulad ng NPA at madadamay ang mga mag-aaral.

Nangako naman si Lt Gen Bautista na tatalima ang mga sundalo sa karapatan ng kabataan base sa UNCRC.

Nabatid na pinaratangan ng mga makakaliwa ang mga sundalo na ginagamit na pananggala ang mga mag-aaral at paggamit sa paaralan para sa combat operations.

Kinontra naman ito ng militar sa pagsabing may pahintulot ang lokal na pamahalaan sa paggamit ng paaralan at nilinaw na para ito sa mga pagpupulong, para magsilbing evacuation ng mga nasalanta ng kalamidad o para magsilbing sentro ng pamimigay ng relief goods.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply