Phl envoy sa Argentina ipinatawag na ng DFA

NAGTUNGO na sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ambassador ng bansang Argentina upang makuha ang paliwanag ng kanyang bansa hinggil sa panggugulping ginawa ng Argentinan  sa Pilipinong boksingero matapos manalo sa isang title bout sa Buenos Aires.

Ani Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez, ipinatawag ni DFA Secretary Albert del Rosario si Argentinian Ambassador Joaquin Daniel Otero upang kunin ang naging aksyon ng pamahalaang Argentina sa ginawang pagkuyog ng mga kababayan nito kay Filipino boxer Johnriel Casimero.

Ayon pa kay Hernandez, nagsampa na rin ng protesta ang embahada ng Pilipinas sa Argentine Ministry of Foreign Affairs upang humingi aksyon kung anong hakbang ang gagawin laban sa mga kumuyog kay Casimero.

Hinihintay pa rin ng embahada ng Maynila sa Buenos Aires ang sagot ng pamahalaang Argentina.

Nagpaabot na rin ng paumanhin ang pamahalaang Argentina sa Pilipinas kaugnay sa insidente.

Matatandaang ni Casimero si Argentinian fighter Alberto Lazarte noong Pebrero 11 upang maiuwi ang korona sa IBF super-flyweight.

Gayunpaman, hindi pa man naitataas ng referree ang kamay ni Casimero ay sinugod na siya sa lona ng mga galit na kababayan ni Lazarte at pinagsusuntok.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply