PHL Patriots sinilo ang Malaysian Dragons

HINDI nagawang makabuga ng apoy ang Westports Malaysia Dragons ng Sansalain ng AirAsia Philippine Patriots ang galaw ng mga scorer sa ginanap na laro sa Ynares Sports Arena noong Linggo ng gabi.

Nagsipagtala ng double-double sina Patriots imports Anthony Johnson ng 27 puntos, 12 rebounds; Nakiea Miller ng 21 points, 15 rebounds at ang local player na si Al Vergara ng 13 puntos at 12 assist tungo sa 3 straight na panalo ng Patriots kontra isang talo.

Dala ng panalo, pumantay ang tropa ni coach Glenn Capacio sa Singapore Slingers. Sa panig ng Dragons tinanghal na top scorer sina Brian Williams sa kanyang 23 at Tiras Wade ng 16 sa kabila ng mahigpit na depensa nina Johnson, Rob Wainright at Bogs Raymundo.

Maghaharap sa Sabado (Pebrero 11) sa Tan Binh Stadium ang Saigon Heat at ang San Miguel Beermen habang sa Singapore Indoor Stadium ang laro ng AirAsia Philippine Patriots at host ng Singapore Slingers.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply