PI vs Gatdula ‘di pa umuusad

WALA pang kriminal na reklamo na naisasampa laban sa sinibak na si National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula .

Ito ang inamin ni Justice Undersecretary Francisco Baraan kaya umano hindi pa maaring umusad ang preliminary investigation laban sa dating NBI director.

Ayon kay Baraan, hindi naman umano maaring ang Department of Justice  (DOJ) ang  tumayong complainant laban kay Gatdula.

Tanging ang umano’y dinukot at kinikilan ng malaking halaga na si Noriyo Ohara o kaya ay ang kumupkop ditong pamilya Marzan ang dapat na maghain ng reklamo.

Matatandaan na sinibak sa puwesto si Gatdula kasunod ng rekomendasyon ng DOJ fact finding panel na maisalang ito sa preliminary investigation dahil sa pagdukot at paghingi ng halagang P15 milyon kapalit ng kalayaan ni Ohara. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply