Pinaratangan na, ginulpi pa ng mga ‘tadong pulis

MATAPOS pagbintangan na isnatcher ang isang sidecar boy ay walang awa pa siyang pinagbubugbog ng mga tarantadong pulis sa Mayhaligue-PCP2 ng PS2 ng Manila Police District (MPD).

Sa pag-aakala na pagkakakitaan ang sidecar boy ay dinampot ito ng mga pulis.

Nakilalang isang alyas “Ram” ang  biktima na dinampot habang nag-aabang ng pasahero sa Tutuban Mall, Divisoria, Manila.

Ang masakit pa nito, pag-kadala ng mga pulis sa PCP2 ng una ay pilit daw na pina-aamin na isa siyang snatcher.

Bugbog sarado ang sidecar boy nang ipasok siya ng mga walanghiyang pulis sa kuwarto ng isang Capt. Santos  ng PCP2.

Sa sobrang hirap na dinanas na pambubugbog ay na-ihi ang una sa kanyang salawal at kahit hindi niya ginagawa ang bintang sa kanya ay umamin na lamang siyang snatcher. Ang nakatatakot pa rito, pinagbantaan pa ng mga tarantadong pulis sa pangunguna ni Capt. Santos ang sidecar boy.

Mantakin ninyo, sinabi raw ng opisyal sa biktima na huwag na niyang makita ang pagmumukha ng huli at  kapag  mag-krus ang kanilang landas ay papatayin niya ito.

Naku po, ano ba ‘yan?

Ganyan na ba kawalanghiya ang mga pulis ng MPD na sa halip na sila ang maging tagapagtanggol ng  mamamayan ay sila pa nga-yon ang mga tumatarantado sa mga ito!!!

OPISYAL NA MAY KUSANG PALO

Isa si Dir. Jay dela  Fuente, ng DSWD-Manila, na maituturing natin na magaling na opisyal sa Maynila dahil sa ginagawa nitong kampanya para masugpo ang talamak na PISO NET na ngayon ay kinawiwilihan ng mga estudyante at mga kabataan. Ang PISO NET ay isang uri ng iligal na sugal na maraming mga kabataan ang nagugumon rito.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o kaya ay i-email  sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply