Pinas may 16 nominasyon sa 2012 New York TV and Film Festival

KAHANGA-HANGA talaga ang mga Filipino dahil 16 ang nominasyon na nakuha ng Pilipinas sa prestihiyosong 2012 New York Festivals TV and Film Awards Competition.

Siyam (9) dito ay mula sa GMA-7, lima sa ABS-CBN at dalawa mula sa TV5.

Ang mga award-winning television and film industry expert ang mga pumili ng mga pumasok sa listahan na mula nama sa mga entry na isinumite ng 40 bansa sa buong mundo.

Gaganapin ang awarding ceremony sa Las Vegas, US of A sa Abril 17, 2012.

Nominado mula sa Kapuso Network:
1) Front Row: Bente Dos – Biography/Profiles
2) Report Card  (si Dingdong Dantes at Mike Enriquez ang nag-host) – Community Portraits
3) Pluma: Si Rizal, Ang Dakilang Manunulat (Rizal, The Great Writer) – History & Society
4) Born To Be Wild: The Born Expeditions Finale The Monster of Mae Klong and The Great White Shark – Nature & Wildlife category
5) Front Row: Yaman Sa Basura- Social
6) I-Witness: Gintong Putik – Issues/Current Events
7) I-Witness: Lapnos – Issues/Current Events
8) Reel Time: Lusong – Issues/Current Events
9) Reel Time: Tira- Issues/Current Events

Nominado mula sa Kapamilya Network:
1) TV Patrol: Storm Juaning (by Korina Sanchez, Noli de Castro and Ted Failon) – Best Newscast
2) Storyline – Biography/Profiles
3) EDSA25: Sulyap sa Kasaysayan – History & Society
4) Rated K/Kwento ng Buhay Ko (by Korina Sanchez) – Magazine Format category
5) Krusada- Social Issues/Current Events category

Nominado mula sa Kapatid Network:
1) Wanted: Child Special – Community Service Programs
2) News 5 Debates: A Challenge For Change – Politics

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply