35-anyos Pinay patay sa ka-chat sa Amerika

PATAY na nang iuwi ang isang Pinay mula sa Amerika, sinasabing pinatay ng kanyang naka-chat na Kano.

Nabatid na nang pinalabas ng suspek na si Kurt Syverson, American national na nagpakamatay ang kanyang naka-live-in na Pinay na si Christine Bolor, 35, ng Dagupan City.

Ayon sa mga magulang ni Christine, duda sila sa sinasabi ng suspek na nagpakamatay ang kanilang anak dahil matagal na anilang pangarap ng kanilang anak ang makarating sa nasabing bansa para makatulong sa pamilya.

sa imbestigasyon, taong 2011 nang dalhin ng Kano ang biktima sa Amerika matapos magkaibigan sa ilang taon ding pagiging magka-chat sa internet.

Ilang buwan lang ang nakararaan nang makatanggap ng tawag ang pamilya ng biktima hinggil sa hinaing ni Christine na palagi siyang pinagbabantaan ng ex-wife ng suspek dahil sa selos hanggang sa mabalitaan na lamang nilang patay na ang biktima.

Apela naman ng pamilya ng biktima sa embahada ng Pilipinas sa Amerika na magsagawa ng imbestigasyon para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply