Pinay pasok sa Top 24 ng American Idol

NAKAPASOK ang isang Pilipina sa Top 24 ng “American Idol,” sa episode ng reality singing competition kaninang umaga (oras sa Piilipinas).

Kabilang ang Fil-Mexican na si Jessica Sanchez sa 14 na kalahok na umabante sa Top 24 ng pinakasikat na singing contest sa mundo.

Kinanta ng 16-anyos na tubong Chula Vista, California ang “The Prayer” na inawit nina Josh Groban at Celine Dion.

Namangha rin ang netizens sa talento ni Sanchez.

Isinulat ng popular na “Idol” blogger na si Rickey (www.rickey.org) ng “‘Idol’ na: “just discovered the new Charice! Amazing! I’m so happy Filipino readers are going to support my blog again. Mabuhay!”

Sambit naman ng Twitter user na si Natalie Grant said: “OK – so I’m watching American Idol for the 1st time this season but this 16 year old Jessica Sanchez girl blows my mind. What a TALENT. Wow.”

Isa pang Twitter user na Q94jackson ang nagbubulalas na: “She is the freaking winner !!! I’m sorry but she just made me cry and shiver and everything that music is suppose to do!”

Sinabi naman ng New York-based newspaper na Newsday na lumalabas na si Sanchez ang nauunang paborito para masungkit ang titulo ng pamosong paligsahan sa pagkanta.

“Jessica Sanchez might be the favorite right now to win it all; you have to listen when she sings, something compelling about her powerful voice. She’s also got complete control and a burning desire,” saad pa ng pahayagan sa kanilang labas ngayong umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply