Pinoy naubos sa world 8-ball tilt

ANG huling pag-asa ng bansa na si Roberto “Superman” Gomez ay nakapagtala muna ng magkasunod na tagumpay bago matalo sa kanyang quarterfinal match nitong Huwebes (Pebrero 16) para samahan ang mga kababayan na nauna ng napatalsik sa 2012 World 8-Ball Championship na ginanap sa Fujairah Tennis and Country Club sa Fujairah, United Arab Emirates.

Winasiwas ni Gomez si Mark Gray ng Great Britain, 9-6, sa Round-of-32  na sinundan ng pagpapadapa kay Yukio Akagariyama ng Japan, 9-5, sa Round-of-16 subalit natalo kay Chris Melling ng Great Britain, 4-9, sa Round-of-8.

Namayani rin muna si Corteza kontra kay Nguyen Phuc Long ng Vietnam, 9-4, sa Round-of-32 subalit nadapa naman kay Fu Che Wei ng Chinese-Taipei, 5-9, sa Round-of-16.

Umibabaw rin si Biado kontra kay Toru Kuribayashi ng Japan, 9-1, sa Round-of-32 ngunit tumiklop kay Chang Jun Lin ng Chinese-Taipei, 3-9, sa Round-of-16. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply