Pinoy patay sa car crash sa UAE

NAMATAY ang isang Pilipino dahil sa naganap na vehicular accident sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Ayon sa mga pulis sa UAE, namatay ang Pilipinong pasahero matapos na magkaroon ng malubhang sugat dahil sa naganap na aksidente.

Batay sa Imbestigasyon, nakipagtalo ang driver ng kotse sa isa pang pasahero kaya maaaring ang hindi pagiging pokus sa pagmamaneho ang naging dahilan ng aksidente.

Hindi pa kilala ang Pilipino na namatay sa naturang aksidente na patuloy at inaantabayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naganap na insidente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply