Plastic, styropor sa QC ipagbabawal na

PARA maging eco-friendly sa Quezon City, dalawang konsehal ang nagpasa ng panukala para sa partial ban ng paggamit ng plastic bags at styropor sa Quezon City Hall at sa iba pang establisyemento na pag-aari at pinatatakbo ng city government kabilang ang Quezon City General Hospital (QCGH), Novaliches District Hospital (NDH) at Novaliches District Center (NDC).

Ito’y matapos ipanukala ang ordinansa ni Councilors Gian Carlo Sotto at Jesus Suntay na nagsasabi na dapat maging modelo ang QC government at maging resourceful waste management at ecological awareness sa iba pang local government units sa bansa para ma-regulate at mapababa ang paggamit ng plastic bags at styropor sa lungsod.

Naniniwala ang dalawang konsehal na ang pagpapatupad ng Section 2 ng Republic Act 2003 o mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay kailangang maipatupad dahil sa epekto ng climate change, pagpapaigi sa public health at pagbababa ng dami ng hindi nabubulok na materyales at non-recyclable garbage disposal  at pagsusulong ng healthy at mahusay na pamumuhay sa urban environments.

Ayon pa sa dalawang konsehal bagamat ang QC Hall complex ay nagtatapon ng malaking bahagi ng basura ng plastic at styropor sa mga programa, meeting at iba pang aktibidades nito kinakailangan pa rin maipatupad ang naturang ordinansa.

Kabilang sa pinagbabawalan gumamit ng mga plastic at styropor ay ang mga empleyado ng QC City Hall, concessionaries, vendors at bisita sa QC Hall, QCGH, NDH AT NDC.

Ang sino man mahuhuli na lumabag sa panukalang ordinansa ay may multang P 500, para sa first offense hanggang P 2,000 o kanselasyon ng business operating permit sa third offense sa concessionaires o vendors sa naturang panukalang ordinansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply