PNoy, bantayan mo ang mga korap na traffic enforcer (2)

 

ITULOY natin ang ating paksa kamakalawa ukol sa korapsyon ng mga trapik enforcer na nag-papahirap at gumugutom sa mga tsuper at operator ng mga pampasaherong sasakyan.

Dahil nga sa bumabagtas ang mga ito ng kung ilang bayan bilang kanilang ruta batay sa prangkisa, kapag hinuhuli ang mga ito ng mga trapik enporser nang sabay-sabay o sunud-sunod, wala nang gi-nawa ang mga ito kundi ang umubos ng mga araw sa katutubos ng kanilang mga lisensiya.

Kung barumbado ang mga tsuper, oki lang na disiplinahin sila.

Ngunit ginagawa nang hanapbuhay ng mga trapik enporser ang manghuli nang manghuli para sa singilan ng mga multa ay kumita ng malaki ang mga ito, kahati ng kani-lang mga opisyal.

Patakaran na, ayon sa ating mga pag-aaral, na may kota ang mga trapik enporser araw-araw kaya gumagawa ang mga ito ng milagro para manghuli nang manghuli.

oOo

Kabilang sa mga gina-gawa ng mga trapik enporser ang maglagay ng harang sa kalsada upang sa pag-iwas ng tsuper ay maapakan ang mga trapik sayn gaya ng dibayder ng gitna ng kalsada.

Gumagawa rin ang mga ito ng iligal na terminal na sila mismo ang mga barker kung wala silang asungot o kaya’y minamaniobra ng mga ito ang bilis ng pagpapalit ng mga trapik layt.

Ang pinakamasama sa lahat, hindi nakikinig ang mga trapik enporser sa mga paliwanag o pakiusap ng mga tsuper at gilti agad ang hatol sa mga ito.

Ginagawa pa ngang bayolesyon ang pag-angal ng mga drayber.

In short, Suki, mismo ang gobyerno ang dahilan ng paghihirap ng mga tsuper, operator at mamamayan saka sila konsuwelo de bobong lilimusan sa Pantawid Pasada Program?

PNoy, sana ang ganitong mga problema ni Juan ang unahin mo at hindi si Mang Atong Corona.

Kung magagawa mo ito, beri gud, Boss.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply