PNoy, bantayan mo ang mga korap na traffic enforcer

NOW it can be told. BIRTHDAY kahapon ni BOSS BENNY ANTIPORDA.

Ngayon lang natin siya babatiin dahil ayaw niyang iniaanunsyo sa diyaryo ang kanyang pinakamapalad na araw lalo na bago ito maganap.

Isa lang ang masasabi natin ukol kay Bo-sing Benny: Siya ang kasamang walang itinitirang sentimo sa kan-yang bulsa para sa nagigipit.

God bless you!

oOo

Kung  talagang gusto ni PNoy na maramdaman ni Juan ang kanyang matuwid na daan, isa sa dapat nitong pansinin ang mga trapik enporser sa mga lalawigan.

Kaugnay ito ng napakaraming reklamo ng mga tsuper at operator ng mga dyipni at bus laban sa mga trapik enporser.

Ayon sa mga tsuper at operator, wala na silang ginawa sa loob ng isang linggo kundi ang tumubos ng kanilang mga lisensya sa mga munisipyo makaraan silang  hulihin ng mga trapik enporser.

Umiiyak na sila sa hirap dahil sa mga tadong trapik enporser na ‘to.

oOo

Karaniwang bumabagtas ng kung ilang bayan o lalawigan ang mga dyipni at bus, Suki.

Sa kasuwapangan ng mga trapik enporser sa komisyon sa panghuhuli, panay-panay ang huli ng mga ito kahit sa mga konting pagkakamali, bukod pa sa sadyang paglalatag ng mga ito ng mga bagay-bagay na doon sinasabing nagkakamali ang mga tsuper at operator.

Ang iniiyak ng mga tsuper at operator ay kung sabay-sabay o sunod-sunod ang panghuhuli sa lahat ng araw ng biyahe.

Dahil dito, tumitigil ang paghahanapbuhay ng mga biktima sa pag-punta-punta sa mga bayan-bayan upang tubusin lang ang kanilang mga lisensya.

Gutom na yan, Suki!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply