PNoy ‘di dadalo sa Bible expo ng INC

HINDI dadalo si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa Bible exposition ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, lungsod ng Maynila ngayon.

Ikinatuwiran ng Pangulo na ayaw niyang malagyan ng kulay pulitika ang nasabing religious activity ng INC.

Wala namang ideya ang Punong Ehekutibo kung personal nga siyang naimbitahan sa Bible exposition dahil ang kanyang pagkakaalam ay lahat naman ay imbitado.

“Well, ang pagkasabi ho sa akin lahat imbitado dito dahil, ‘di ba, parang ito nga ‘yung part of the evangelization work. Although at the same time parang may pinarating naman na my presence might make, give a political tinge to the whole event which detracts from the religious intention of this activity,” anito.

At sa tanong naman kung ano ang mensahe nito sa INC ay sinabi ng Pangulo na nagpapasalamat siya sa naging suporta ng kapatiran mula ng siya ay kongresista pa lamang hanggang sa 2007 senatorial elections at 2010 presidential elections.

Samantala, kapansin-pansin na ang matinding epekto sa daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Maynila dahil sa naturang INC event.

Sa Roxas Boulevard lalo ang galing ng Baclaran at Parañaque City papuntang city hall ng Maynila ay hindi na kumikilos ang trapiko, gayundin sa bahagi ng España at Osmeña Highway ay mabagal na rin at usad pagong ng trapiko.

Kabilang sa pangunahing dahilan ay ang mga pampasaherong bus at dyip na inarkila ng mga INC member na ang iba ay mula pa sa Laguna, Rizal, Bulacan, Pampanga at ibang bahagi ng Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply