PNoy ginagamit ang ‘speeches’ vs Corona

INAMIN ng Malakanyang na nagagamit ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga nakalipas na speeches sa pagbanat kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, nakakita ng

pagkakataon ang Chief Executive na maiparating sa publiko lalo na sa kabataan na

hikayatin ang mga ito na makiisa sa pagbabantay sa impeachment trial sa Senado.

“If you remember,’ the President laid it out early on in his speech, ano po ba ‘yung diwa ng EDSA? Ang diwa ng EDSA is ‘yung people power, people empowerment. Ang pakiramdam po kasi ng pangulo, dahil po roon sa mga taktika ng depensa ay na-e-exclude na ‘yung taumbayan dahil doon sa impeachment trial. Nakikita po naman natin sa ating araw-araw na pagbabantay doon sa nagiging paglilitis, ang dami pong legal technicalities, ano po ba ‘yung pinanggalingan ng ganito. Marami hong tao ‘yung nako-confuse and the President felt that he had to—as the President he felt that he needed to simplify the issues for the rest of the people who are watching the impeachment trial,” ayon kay Usec. Valte.

Sinabi pa rin niya na layunin din ng Pangulo na ipaalala sa publiko na hindi sapat na nakikinig lamang ang mga ito at nasa isang tabi lang. Kailangan aniyang nakikiisa at nakikibahagi ang lahat para sa isang mahalagang  pangyayari sa lipunan.

“Kailangan po tayong makiisa, makibahagi po tayo, intindihin po natin. Kaya maganda pong televised ‘yung trial dahil nakikita po nung mga tao ano ho ba ‘yung sinasabi ng prosekusyon, ano ang sinasabi ng depensa para makabuo po ng sariling opinyon ‘yung mga tao. Mas mabuti pong informed ang ating citizenry,” anito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply