PNoy kay Corona: ‘Ikaw maglabas ng dollar account mo!’

KUNG talagang walang itinatago si Chief Justice Renato Corona, ay wala siyang dapat na ikatakot kung siya mismo ang maglalabas ng laman ng kanyang dollar account sa mamamayan.

Ito ang paniwala ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III makaraang harangin ng Korte Suprema ang nais ng Senado na ilatag ang dollar account ni Corona sa pamamagitan ng ibinabang TRO sa patuloy na pagsasagawa ng impeachment proceedings laban sa punong mahistrado.

Ayon pa kay PNoy, kaabikat ng pagiging public servant ay ang pagtitiwala ng publiko kaya nararapat lamang na maging bukas si Corona sa kanyang tagong yaman.

Ani pa ni PNoy, ang Foreign Currency Deposit Acts of the Philippines ay hindi binuo para proteksyunan ang mga lumalabag sa batas kaya hindi dapat ito gamitin ng kahit sino para makatakas sa hustisya, maging ito pa ang pinuno ng Korte Suprema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply