PNoy kay Corona: ‘Wag mo kaming paikutin’

NAGING mainit ang pahayag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquno III laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona kasabay ng pagdiriwang ng ika-26 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na ginanap sa La Consolacion College sa Mendiola, Maynila kanina.

‘Huwag kaming paikutin!”

Ito ang sinabi ni PNoy sa ilang grupong pinaiikot aniya ang hustisya at niloloko ang publiko sa nagaganap na impeachment trial laban kay Corona.

Ani PNoy, kahit lumalabas na ang katotohanan sa paglilitis ay may ilang tao pa ring nililihis ito para mamalo at hindi mapanagot ang punong mahistrado sa kanyang kasalanan.

“Simple lang naman po ang tanong na nais sagutin ng paglilitis na ito: Dapat pa ba tayong magtiwala kay Ginoong Corona? Masasagot po natin iyan kung titingnan ang mga katotohanang lumalabas na sa paglilitis”.

Kinuwestyon rin ng pangulo ang pagtatago ng kontrobersyal na dollar account ni Corona na nauna nang naharang sa pamamagitan ng temporary restraining order na inilabas ng Korte Suprema.

Ipinahayag din ni PNoy na hindi niya pini-personal ang punong mahistrado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply