PNoy kinikilig na inaming nakikipag-date kay Garce Lee

KINIKILIG na inamin ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang pakikipag-date niya sa segment host ng BaliTanghali ng News TV channel 11 na si Grace Lee.

Sa kabila ng 51 taong gulang na si Pangulong Aquino ay kapansin-pansin ang kakaibang ngiti niya nang sagutin ang tanong na ukol sa kung ano ang “real score” sa kanila ni Grace Lee.

“Well, we are seeing each other. Okay?,” ang pag-amin ng Pangulo.

Sinundan pa ng tanong kung kailan pa sila nagdi-date ng nabanggit na TV personality at sinagot naman na “Haba naman ng follow up mo. I’ll leave it at that…. Sa Constitution po natin, may nakalagay na privacy. Baka puwedeng mabahagihan naman ako ng karapatan na iyon under Article 3.”

Batay sa ulat, si Grace Lee ay isang Koreana na naninirahan sa Cebu kaya marunong na mag-Cebuano.

Unang nagkakilala ang dalawa noong nakaraang taon sa Cebu sa event ng KEPCO na isang Korean energy firm.

Napansin agad noon ng Pangulo ang kagandahan ni Grace Lee na nagsilbing host ng event at nagbiro pa ito na napakaganda ng mga Cebuana, kaya maaaring sa Cebu siya makakita ng “palangga.”

Nasundan ito noong Disyembre nang interbyuhin ni Grace Lee ang Pangulo sa loob ng Palasyo ng Malacañang.

Ayon din sa napaulat noon, na-link na si Grace Lee kay James Yap na dating asawa ni Kris Aquino, ang bunsong anak ni Pangulong Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply