PNoy kukuning lead dancer ng DOH

KUKUNING lead dancer ng Department of Health (DOH) si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino para sa gagawing sabayang aerobic exercise sa Hulyo.

Ang nasabing ehersisyo o JAM Step ay ang programang itinataguyod ngayon ni Bacolod Lone District Rep. Anthony Golez.

Sinabi umano ni Health Secretary Enrique Ona kay Golez na gagawing major program ang JAM Step dahil ito ay nagpo-promote ng healthy lifestyle sa mga kabataan.

Sa Hulyo naman sisimulan ng nasabing tanggapan ang programa kung saan ang lungsod ng Bacolod ang gagawing main stage at pupunta rin si Presidente Aquino na siyang mamumuno sa gagawing sabayang pagsayaw o ehersisyo.

Ayon pa kay Golez, sinabi umano ni Ona sa kanya na ang paglalagay kay PNoy bilang lead dancer ang sumisimbolo ng matinding kampanya ng DOH para sa healthy lifestyle ng mga Pilipino.

Patuloy na tinataguyod sa lungsod ng Bacolod ang JAM Step kung saan ito ay sinusuportahan ng mga paaralan sa elementarya at sekondarya.

Gaganapin naman sa darating na Pebrero 12 ang sabayang pag-ehersisyo ng libu-libong mga estudyante sa lumang airport ng lungsod.

Target umanong makagawa ang programa ng panibagong record sa Guinness Book of World Record bilang largest dance group sa buong mundo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply