PNoy magtatrabaho sa kanyang birthday

MAS gusto ni Pangulong Benigno Aquino na ilaan ang kanyang panahon sa pag-aaral ng mga usapin na nangangailangan ng atensyon sa halip na magdaos ng kanyang kaarawan bukas, Pebrero 8, 2012.

“On Wednesday I intend to work fully. I intend to spend the evening studying on other matters that need my attention. And then ‘yung… kung may mga magdadasal para sa akin eh ‘di thank you. Kung may babatikos sa akin, ganoon talaga ‘yon, ano. Wala namang dayoff sa birthday, thank you,” ayon kay Pangulong Aquino.

Sinabi nito na kapag ikaw ang chief public servant ay hindi na importante ang  birthday wishes lalo na sa personal basis.

“So kaysa nagkaka-frustration eh hindi na lang tayo nagwi-wish. Pero kung tahimik ‘yung araw na ‘yon, baka bawas ‘yung ipapasang concern sa atin, baka hindi natin tinatalakay ano ba ang nangyayari sa Strait of Hormuz? Ano na ba ang nangyayari sa Syria? Tapos na ba ‘yung Yemen? ‘Yung Japan ba ay nakabawi na ng kanilang ekonomiya? ‘Yung et cetera, et cetera, et cetera. Baka kung ‘yung araw na ‘yon ay mabawasan ‘yung concerns, ‘di thank you na rin ‘yon. Pero kung hindi, ready naman tayo. It’s the same day for me, ano,” aniya pa rin.

Bilang dagdag, nagbiro na lang si PNoy na sa Valentine’s Day na lang abangan ng publiko kung ano mangyayari sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply