PNoy may tiwala pa rin kay Llamas

MAY tiwala pa rin si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III kay Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas kahit hanggang ngayon ay pinagpipiyestahan pa rin ang kahihiyang idinulot nito sa pamahalaan sa pagbili ng pirated DVDs.

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Aquino na mananatili si Secretary Llamas sa posisyong ipinagkatiwala niya rito subalit may kaparusahan ang kanyang ginawa.

“He still performs the role that he was brought into the Cabinet for, so therefore he does, he does enjoy the trust, it is not connected with his core function. But, having said that, there are sanctions that should be levied,” anito.

Nauna rito, nag-usap noong nakaraang Biyernes, Enero 27 sina Pangulong Aquino at Llamas hinggil sa pagbili nito ng P2,000 halaga ng pirated DVDs sa Circle C Mall sa Quezon City.

Hindi naman masabi ni Pangulong Aquino kung ano ang naghihintay na kaparusahan sa ginawa ni Llamas.

Anang Pangulo, mayroon siyang inatasang komite na mag-a-assess sa ginawa ni Llamas.

Ang nasabing komite ay nakatakdang magsumite ng kanilang rekomendasyon kay Pangulong Aquino sa Biyernes (Pebrero 3).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply