PNoy pinaghahanda sa malakas na lindol sa MM

KAAGAD kinalampag ng isang senador si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na paghandaan nang mahusay ang epekto ng sinasabing malakas na lindol na posibleng tumama sa Kamaynilaan tulad nang naganap na 6.9 magnitude na lindol sa Negros Oriental.

Ipinaalala ni Sen. Loren Legarda kay Pangulong Aquino ang nakalap na impormasyon at rekomendasyon na nakapaloob sa  Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS) na isinagawa ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong 2004.

Inilantad ng pag-aaral na maaaring tumama ang 7.2 magnitude earthquake sa Metro Manila na magdudulot ng pagkawasak ng mahigit 40 porsiyento ng residential buildings, 35 porsiyento pinsala sa lahat ng public buildings, pagkamatay ng mahigit 34,000 katao, at pagkasugat ng 114,000 katao at magkakaroon ng sunog na magreresulta ng 118,000 karagdagang biktima.

“We know that the Philippines is among the countries most vulnerable to earthquakes. The figures contained in the MMEIRS are disturbing indeed. A very strong temblor in Metro Manila is likely to reduce a big part of the city to rubble and kill many thousands, much like what happened in Haiti when it was hit by a magnitude 7.0 earthquake in 2010,” giit ni Legarda.

SInabi ni Legarda na maaaring ilan sa prayoridad na hakbang ng gobyerno na dapat gawin ay ang pagtatayo ng early warning system para sa lindol at tsunami; garantiya sa katatagan at tibay ng mga gusali at imprastraktura, at retrofitting ng mga kritikal na istruktura upang makayanan ang kalamidad at matukoy ang open spaces para sa ligtas na lugar kapag tumama ang lindol.

Hinikayat din ni Legarda ang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tiyakin na may bck-up system sa pangunahing utilities na kailangan sa mabilisang rehabilitasyon at pagkukumpunin.

“Every barangay must craft an evacuation plan that would help citizens find out the fastest and safest way to reach open spaces and other safe areas. Everyone must be informed of what they must do in case an earthquake occurs. Natural hazards may occur just about any time, and our preparedness is our only way to reduce the risks on lives, limbs, and properties,” ayon kay Legarda. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply