PNoy pinatatahimik sa impeachment trial

PINAYUHAN ng oposisyon si Pangulong Benigno Aquino III na tumahimik na at itigil ang pagbibigay ng komento sa merito ng mga reklamong kinakaharap ni Chief Justice Renato Corona.

Ang reaksyon ay ginawa ni House Minority Leader Danilo Suarez kasunod ng pahayag ni Pangulong Aquino na sapat na ang mga nalantad na peso accounts ni Corona sa Philippine Savings Bank (PSBank) para ito ay matanggal sa pwesto.

Binigyang diin ng kongresista na hindi marapat para sa isang pangulo ng bansa na magbigay ng mga ganitong komento lalo pa at umuusad naman ang proseso sa impeachment court.

Hindi aniya patas kung magbobotohan na ang senator-judges samantalang hindi pa binibigyan ng pagkakataon ang depensa na maipaliwanag ang kanilang panig.

Para kay Suarez, ang pahayag ng pangulo ay maituturing na pakikialam sa proseso ng paglilitis at pagbibigay ng kumpas sa kanyang mga kaalyado sa Senado na tuluyan nang alisin sa pwesto ang punong mahistrado.

Kasabay nito ay nanawagan si Suarez kay Pangulong Aquino na igalang ang proseso at huwag diktahan ang kanyang mga kaalyado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply