PNoy sa Gabinete: Paigtingin ang laban vs korapsyon

KINALAMPAG ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang Gabinete na paigtingin pa ang kampanya laban sa korapsyon.

Para sa Chief Executive, ang justice system sa bansa ay isang “major battleground for reform.”

Sa kanyang talumpati sa isinagawang Cabinet workshop on anti-corruption strategies sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Aquino na ito na ang tamang panahon para magkapit-bisig ang miyembro ng kanyang Gabinete para labanan ang korapsyon sa bansa.

Iyon ang dahilan kung bakit pinipilit ng pamahalaan na ma-impeach si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

“The problem of judicial inefficiency and susceptibility to outside pressures, remains a serious concern,” anito.

Sinabi pa niya na ang naturang workshop on anti-corruption strategies ay naglalayong tutukan ng kanyang Gabinete ang pakikipaglaban sa korapsyon.

Ayon pa sa Pangulo, ang planong ito ay naglalayon na bigyan din ng kapangyarihan ang publiko na makibaka laban sa korapsyon.

“We need to strengthen what is working, and to rectify what is not. And we need to make sure that those in the margins receive the tangible benefits of good governance, even as we remain relentless in our pursuit of reform,” ang pahayag nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply