Pres. Noynoy tutulak pa-Dumaguete bukas

TULOY na ang pagtungo ni Pangulong Benigno Aquino III sa Dumaguete City bukas ayon sa pagkumpirma ng Malaknayang para na rin tingnan ang kalagayan ng mga biktima sa naganap na 6.9 magnitude na lindol kahapon, partikular sa Negros Oriental.

Ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sa Dumaguete City muna pupunta si PNoy bago mag-iikot sa mga sinalanta ng lindol.

Kahapon ay hindi agad nag-anunsyo ng lakad si PNoy dahil na rin sa walang magamit na helicopter sa pag-iikot na kasalukuyang ginagamit sa rescue and relief operations.

Bukas ang ika-52 kaarawan ni PNoy pero aniya ay kanyang gugugulin sa mga kababayan na nasalanta ng lindol sa nasabing lalawigan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply