PNoy umaming noong college pa naka-plano ang pag-aasawa

HULI man daw ay umaasa pa rin si Pangulong Noynoy Aquino na magkaasawa bago matapos ang kanyang termino bilang presidente ng bansa.

Inihayag ni PNoy na mas magiging mabuting lider siya ng bansa kung mayroon na siyang kabiyak.

Kasabay nito, inamin din ni PNoy na noong nasa kolehiyo pa nakaplano ang kanyang pag-aasawa, ngunit hindi nya pa nakikita ang babaeng para sa kanya.

“I have been planning this for a long time, since college even. But I just have been unlucky,” pahayag ng pangulo.

Sa ngayon ay hayag na ang panliligaw ni PNoy sa Korean TV host na si Grace Lee na nagpahayag din naman ng pagkagusto sa pangulo.

Dahil sa mga pahayag ni PNoy, malakas ang kutob ng mga nag-aabang sa lovelife ng pangulo na ang dalaga na nga ang ihahatid nito sa dambana.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply