PNoy vs Corona: Dapat si Juan ang makikinabang

NAGPEPERSONALAN na ba sina PNoy at Mang Atong Corona?

Kasi naman, panay ang banat ni PNoy kay  tsip dyastis na si Mang Atong.

Kesyo hindi na ito dapat na pagkatiwalaan sa dami ng mga nauungkat na pera nito sa bangko na hindi naman umano tugma sa kinikita nito.

Tsaka nagsasabmit ito ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth, eh, kulang-kulang umano sa laman ang mga ito.

Korap na, sinungaling pa si Mang Atong, ayon sa tono ni PNoy.

Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw, ganun ba, PNoy?

oOo

Sa kabilang banda, pinagsasabmit naman ni Mang Atong itong si PNoy ng rekord sa kalagayan ng utak nito.

Saykolojikal rekord ang pinalalabas ni Mang Atong para malaman umano kung nasa katinuan pa o hindi na si PNoy.

Isa pa, nagngingitngit umano si PNoy dahil sa nagkakaisang desisyon ng mga Hukom sa Korte Suprema para ipamahagi ang Hacienda Luisita sa mga magsasaka sa Tarlac.

Kapag mawala umano itong si Mang Atong sa Hukuman, babalik at babalik ang asyenda sa mga Aquino at Cojuangco?

oOo

Para sa atin, maganda ang pagkakaroon ng bangayan ng dalawa para maglabasan ang baho ng isa’t isa.

Sa ganitong kalagayan, ang bayan dapat ang makinabang.

Kabilang sa mga importanteng punto ukol sa isa’t isa, eh, ang kani-kanilang mga interes na pinansyal at pag-aari.

Kung totoong may tago at nakaw na yaman itong si Mang Atong, dapat lang na ibalik niya ito sa bayan.

Itong Hacienda Luisita naman ay dapat na para sa mga magsasaka at dapat nang ipamahagi ito at huwag nang habulin pa nina PNoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply