PNoy walang dollar accounts – Malakanyang

TANGING mga ari-arian lamang ang inilantad ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at walang dollar accounts.

Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, wala kasing dollar accounts ang Chief Executive kaya malabong makapag-prisinta ito ng nasabing accounts.

“What I can tell you at this point is that the President has always divulged everything that he owns in his SALN. If you look at his 2010 SALN, naka-detalye po ‘yon: sasakyan, other personal properties, ‘yung mga real estate po na kanyang pag-aari—nandoon po ‘yan lahat sa SALN. ‘Yung 2011 SALN po ang deadline po niyan for filing is April 30. It will be made available I think mga 10 days po yata after the deadline. So hintayin niyo po, everything will be in the President’s SALN as it always has been,” anito.

Nauna  rito, hinikayat mismo ni Pangulong Aquino si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona na magkusang pabuksan ang dollar accounts.

Kung wala aniyang itinatago si Corona, mas mabuting hayaan na lamang na mabusisi ang kanyang mga deposito sa bangko.

Sinabi nito na bilang  public servant mahalaga ang tiwala ng publiko at hindi katanggap-tanggap kung may pagdududa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply