PNP-Anti-Kidnapping Group muling bubuhayin

APRUBADO na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagbuhay sa Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) bilang regular na support unit na magsasagawa ng malawakang operasyon laban sa sindikato ng kidnap-for-ransom (KFR).

Sa inilabas na resolusyon ng Napolcom na nilagdaan ng lahat ng commissioner, nakasaad na pinahihintulutan ang PNP na buhayin ang AKG kapalit ng nabuwag na Police Anti-Crmie and Emergency Response (PACER) na napatunayan nang epektibo sa pagsugpo sa KFR at umani rin ng tiwala at kumpiyansa sa komunidad.

Inaprubahan ang pagbuhay sa AKG batay sa ilalim ng R.A. 6975 na nagbibigay kapangyarihan sa pinuno ng PNP na lumikha ng iba pang support unit na magpapalakas sa kampanya laban sa kriminalidad bagama’t kinakailangan ang pagsang-ayon dito ng komisyon.

Sinabi ni Napolcom Vice Chairman at Executive Officer Eduardo Escueta na kinakailangan talaga ang pagbuo ng PNP ng grupo na tututok sa aktibidad ng grupo ng mga kidnappers upang masawata ang kanilang pamamayagpag sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ang binuong PNP-AKG ang magpapalakas sa operasyon ng kapulisan laban sa grupo ng KFR at sasawata rin sa lahat ng uri ng kanilang aktibidad pati na ang posibleng pagkakaroon ng hostage situation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply